Ang buhay parang laro, minsan alam natin paano lumaban, minsan naman "hands up" ka nalang kasi wala kang alam. Ang buhay natin ay halintulad sa larong basketball, kailangan nating pumuntos, hahamakin natin lahat para lang sa punyetang puntos na tawag nila. Sa totoong buhay pagkagising natin sa umaga yan ang puntos nah kailagan nating makuha-- ngiti nang pamilya, tawanan nang barkada, simoy nang hangin na kay ganda, buhay na puno nang suprisa. Ngunit sa basketball, minsan may nadadapa,nangangapa, naghahabol,naghahamon, nakikipag away at napipilay, Buhay din natin ay ganun. Minsan kailangan na madapa para matutu, kailangan nating mangapa para lang malaman nating may handang tumulong at mag aruga, maghabol para wala tayong masayang na oras, para malaman nating sa bawat segundo, pagkakataon ang nasasayang mo. Kailangan nating harapin ang hamon kahit pait at pighati man ang siyang karugtong. Kailangan nating makipag away sa bawat pagsubok nang buhay para lang mapanalo ang dilim at maninimdim. Pagkapilay man minsan nating napagdadaanan,at pagkapilay may sadyang kay hiram lumakad sa daan patungo sa ating patutungohan, ngunit kailangan lumakad kahit hirap at luha man ang katapat. Kailan ko bah malalaman tapos na ang laro? kailan ko bah sasabihing naging talo na ako? Sa tago kung mundo gusto kung isama ka, ngunit sa buhay minsan kailangan nating maglaro mag-isa. Hanggat umiikot ang mundo, hanggat humihinga ako, laban at laro nang buhay haharapin ko,kahit sumasakit puso at ulo ko...
Wednesday, January 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment