Friday, January 15, 2010

Minsan...



Minsan sa buhay ko nagmahal ako nang sobra, inakalang ang panahon ay tama nah at oras nah ang siyang naghusga. Magmahal man nang sobra ay masama, kulang naman ay nakakasama, ngunit minsan nagmahal ako nang tama pa sa sobra. Minsan may napatanong ako sa aking sarili at nagmumuni, pag ibig nga ba ay mapaglaro? at kung sino pang minahal mo nang todo siya pang wawasak nang mundo mo.Minsan man lang akong umibig sa ibabaw nitong daigdig,ngunit pagdurugo nang puso koy patuloy mahal ko. Minsan man sa buhay ko pinili kung magmahal nang buo, ngunit naiwan pa rin akong luhaan at bigo. Minsan ko mang nakilala ang taong pumukaw nang puso kung tulog, ngunit cya pala ang dahilan kung bakit akoy nahulog. Pagbangon may minsan kung pinagdaan ngunit ngayon kaibigan, kay hirap palang harapin ang magpakailanman kung di cya masisilayan. Minsan man ay nabigo ako at nagkulang, umibig at nakipaglaban, pagmamahalan man di dumating sa magpakailan man, hayaan mo darating ang panahon na iibig ako, kung tama nah ang mali at kung pwede nah ang hindi.Pag-ibig sana minsan mo rin katokin ulit ang pintoan nang puso kung nagpapahinga lamang, pagkat gusto ko ikaw ulit marasan kahit minsan man lang...

0 comments:

Post a Comment

 

Chang's little world Copyright © 2008 Black Brown Art Template by Ipiet's Blogger Template