Saturday, October 17, 2009

Pangako lilimutin kita...




Paano ko maiiwasang hindi pumatak luha sa mga aking mata?
Paano ko sasabihing "okey" ang lahat kahit siya ang gustong kasama?
Bakit kay hirap sabihing "kami'y wala na"...
Bakit kay damot nang tadhana...

Hindi pa bah sapat ang ilang araw kung pagluha?
Taon bah para malimot ka?
Sobrang sakit na, at hindi ko alam kung kakayanin ko pa...
Kailan bah huhupa ang sakit na aking nadarama?

Inakala kung ikaw ang buhay ko...
At ako rin bubuo nang pagkatao mo...
Mahal nagkamali ba ako?
At ito ngayon sawi at bigo sa pag ibig mo...

Kailan mo tatapusin ang lahat bathala??
Kailan ko sasabihing tanggap ko nah ??
Kailan ko malalamang siya'y limot ko nah?
Kailan ko iiwan ang bakas nang kahapong puno ng saya?

Lumuha may kulang,
paglimot may hirap aking hirang...
Sakit man ang naging sukli sa pag ibig kong wagas
Hayaan mo't magwawakas din ang lahat...

Minutong nasasaktan ako,
Secondong dumurugo puso ko,
Sa bawat patak nang luha ko,
At sa bawat araw nang sakit dala nang pag ibig mo
Bibilangin ko ang taon, kahit pa ilang siglo...
Malilimot kita, at yan ay pinapangako ko....







0 comments:

Post a Comment

 

Chang's little world Copyright © 2008 Black Brown Art Template by Ipiet's Blogger Template